Filipos 4:8-9
Welcome poh sa website na toh!!! Ang website na toh ay ginawa ko dahil ito lang naman ang pinaka may kabuluhang bagay na magagawa ko dito. Puro na lang friendster, website na walang kwenta at kung anu-ano pa. Walang kwenta. Itong website na toh ay patungkol sa aking relihiyon. Church of God International. Sino ngayon ang magsasabing walang kabuluhan toh? Hindi bat lahat ng bagay na patungkol sa Dios ay makabuluhan?? Ewan ko na lang kung di ka pa agree dyan!!! Feel free to browse.. Malaya kang basahin lahat ng gusto mong basahin..Salamat po sa Dios..
FEBRUARY 04,2005 noong ako ay nabautismohan sa iglesia. Ito ay isang yugto ng buhay ko na hindi ko makakalimutan. Marami akong mga pagsubok na pinagdaanan bago ako nabautismohan. Maraming mga isipinh pumapasok sa isipan ko na patungkol sa pagtigil ko sa pakikinig ng doktrina. Katulad ng bata pa naman ako, maaaring ipagpaliban muna ang mga bagay na patungkol sa Dios. Napakahirap paglabanan ng mga tuksong pumapasok sa aking isipan. Ngunit sa awa at tulong ng Dios, ako ay nabautismohan.Si kapatid na Frank Navarro ang aking bautisador. Akala ko nga hindi ako mababautismohan dahil sa aking murang edad. Sinabi ni kapatid na BOY DIMALANTA na saka na lang daw dahil masyado pa akong bata, baka bigla akong magpabaya sa tungkulin, ngunit hindi ko alam kung bakit ako ay nagkalakas ng loob upang siya ay kontrahin at sinabi kong kaya ko nang harapin ang mga pagsubok. Maraming saksi sa aking ginawang iyon. At ako nga ay nabautismohan. Sa edad na 13 years old. Kasabay ko noon ang aking mga ka KNC na sila ANALOU ABULENCIA at PETER ARREZA.Ngayon,ako ay 15 years old na at isa nang ganap na kabataan. Isang kabataan na nasa loob ng tunay na iglesia.. Isang iglesia kung saan napanatag ang aking kaluluwa. At lahat ng ito ay pinagpapasalamat ko sa Dios. Nagpapasalamata ako sa kaniya dahil tinawag niya ako sa banal na iglesia at nagpapasalamat ako dahil sinugo niya sa amin ang aming mangangaral na si BRO. ELISEO SORIANO